Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) ang hurisdiksiyon o kapangyarihan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pakikipag-ugnayan sa International Police Organization (Interpol) sa pag-alerto sa mga bansang kinaroroonan ni Representative Arnulfo Teves Jr.
Ipinaliwanag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na kailangan lang naman na ipaalam ng NBI sa Interpol na may isang indibidwal ang iniimbestigahan sa Pilipinas dahil sa posibleng pagkakasangkot sa krimen.
Dahil dito, magkakaroon ng kapangyarihan ang interpol na matanong o kuwestyunin si Teves saan man ito magpunta.
Samantala, hindi pa rin tinutukoy ng DOJ kung nasaang bansa ngayon si Rep. Teves. | ulat ni Paula Antolin