Muling siniguro ng Deprtment of Energy (DOE) na may sapat na supply ng kuryente sa susunod na taon sa kabila ng naka-ambang El Niño phenomenon sa bansa.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, nakipag-ugnayan na sila sa PAGASA para sa paghahanda sa El Niño phenomenon sa pagpasok ng 2024.
Dagdag pa ni Lotilla na sapat ang supply ng kuryente hanggang sa ikalawang quarter ng 2024 at magtutuloy-tuloy ito hanggang sa pagtatapos ng 2025 dahil papatapos na ang ilang mga power plants na nagsasagawa ng power management system (PMS).
Muli namang paalala ng Department of Energy sa publiko na magtipid sa pagamit ng kuryente at iwasan ang pag-aaksaya upang makatulong sa energy conservation ng ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio