Nakatakdang ayusin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang scholarship ng mga anak ni Jimmy Pacheco na nadukot at pinkawalan ng groupong hamas.
Ayon kay OWWA Administrator Arnel Ignacio, pinoproseso ng kanilang tanggapan ang mga benepiyso ng pamilya ni Pacheco mula sa scholarship ng kanyang mga anak, at ang isang business assistance para sa kanyang asawa.
Ayon naman kay Department of Migrant Workers Officer in Charge Undersecretary Hans Leo Cacdac, na tutulong din ang kanilang tanggapan sa pagpoproseso ng mga dokumento sakaling bumalik uli itong bilang OFW. | ulat ni AJ Ignacio