Naniniwala si Senador Sonny Angara na maaaring napapanahon nang rebyuhin ang ilang probisyon ng 1987 Constitution.
Partikular na tinukoy ni Angara ang economic provision ng Saligang Batas na aniya’y outdated na.
Kabilang aniya sa mga dapat rebyuhin ang mga probisyon tungkol sa pagpapahintulot sa mga dayuhang mass media, foreign educational institutions, at mga propesor at mga dayuhang advertising agencies dito sa Pilipinas.
Gayunpaman, hindi pabor ang senador sa pagpapahintulot sa mga dayuhan na mag may-ari ng lupa dito sa Pilipinas.
Binigyang diin naman ni Angara, na dapat maging ‘honest to goodness’ ang magiging diskusyon tungkol sa chacha (charter change), na ang pangunahing layunin ay para dapat sa totoong kapakanan ng bansa at sambayanang Pilipino.
Aminado ang mambabatas, na ang mga nakalipas kasing panukalang chacha ay nagkaroon ng perception mula sa publiko na ‘self-promoting’ o para lang sa pansariling interes ng mga nagsulong nito noon. | ulat ni Nimfa Asuncion