Kumpiyansa si Speaker Martin Romualdez na susuportahan din ng iba pang mga senador ang itinutulak na economic charter change o chacha ng Kamara.
Sa isang panayam sinabi ni Romualdez na hindi niya maintindihan kung bakit kailangan matakot sa pag amyenda ng Saligang Batas, o kung bakit hindi ito ang tamang oras.
Paalala ng House leader, higit tatlong dekada na ang 1987 Constitution at panahon nang ma amyendahan ang restrictive economic provisions nito.
Marami na rin aniyang naging pagbabago sa lipunan at technological advancement na hindi natutugunan ng konstitusyon na halos apatnapung taon na ang tanda.
Sabi pa niya na bagamat maraming foreign investors ang natutuwa sa pag amyenda ng Public Service Act, Foreign Investments Act at Retail Trade Liberalization Law, ay marami pa rin aniyang balakid para bumuhos ang pamumuhunan sa bansa.
Una nang pinagtibay ng Kamara ang Resolution of Both Houses 6 (RBH 6) at House Bill 7352 noong Marso para sa pagdaraos ng constitutional convention.
Magkagayonman, bukas aniya ang Kamara sa iba pang pamamaraan ng pag amyenda sa Saligang Batas kasama ang constituent assembly at people’s initiative.| ulat ni Kathleen Jean Forbes