Bukas din si Senador Francis Tolentino sa posibleng pag-amyenda sa Saligang Batas ng Pilipinas.
Pero gaya ng ibang mga senador, pag-amyenda lang sa economic provision ng 1987 constitution ang nais na mangyari ni Tolentino.
Sinabi rin ng senador na hindi siya pabor sa isandaang porsyentong pagmamay-ari ng mga dayuhan ng mga lupa dito sa Pilipinas.
Kailangan aniyang magkaroon ng limitasyon sa mga lupang maaari lang maging pagmamay-ari ng mga dayuhan.
Pinaalala naman ng senador na oras na mabuksan na ang Saligang Batas sa anumang amyenda ay mabubuksan na rin ito sa anumang economic at political ammendments.
Kaya naman kailangan aniyang magkaroon ng paglilinaw at mapagkasunduan kung anong probisyon lang ang babaguhin.| ulat n Nimfa Asuncion