Paiiralin ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang ‘cap’ sa interbank money transfer fees sa Instapay at PESOnet.
Sa pinakahuling resolusyon na inilabas ng Monetary Board, ipinababawal din ng Sentral Bank ang taas- singil sa interbank transfer fees hanggang sa oras na makasunod ang lahat ng mga bangko at non-banks sa zero rates sa mga small e-payment transactions.
Ito ang pahayag ng BSP matapos nagpasya ng Monetary Board na imintine ang moratorium sa PESONet at Instapay.
Ang Instapay ay real-time, low value digital payment facility para sa cash transactions habang ang PESONet at “batch electronic fund transfer service” bilang altertibong paraan para sa checks at recurring payments.
Ayon kay BSP Gov. Eli Remolona, upang hikayatan ang mga Pilipino na maging aktibo sa paggamit ng digital payments at savings kaya dapat naka waive o walang babayaran sa mga maliliit na epayments at bank transfers.| ulat ni Melany V. Reyes