Nadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang apektado ng mga pag-ulang dala ng shear line at bagyong Kabayan.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), umakyat pa sa 53,000 pamilya o katumbas ng higit 183,000 indibidwal ang apektado ng kalamidad sa anim na rehiyon sa bansa.
Mula sa bilang na ito, aabot naman sa 17,510 ang bilang ng mga pamilya o katumbas ng higit 54,000 na indibidwal ang nananatili sa higit 400 evacuation centers.
Kaugnay nito, umakyat pa sa 19 kabahayan na labis na nasira ng shear line at bagyong Kabayan habang 335 rin ang partially damaged.
Tuloy-tuloy pa rin naman ang relief efforts ng DSWD sa mga lalawigang apektado na nakapaghatid na ng higit ₱181,000 inisyal na halaga ng humanitarian assistance. | ulat ni Merry Ann Bastasa