Hinikayat ng Malabon LGU ang mga negosyante sa lungsod na magbayad na ng maaga ng kanilang taunang buwis.
Mayroon itong alok na 5% discount kapag nabayaran nang buo o full payment ang business tax bago ang Enero 20, 2024.
Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, inilunsad ang inisyatibong ito upang makatulong sa mga negosyante sa lungsod.
Para sa karagdagang impormasyon at katanungan, maaring makipag-ugnayan sa Business Permits and Licensing Office (BPLO) at City Treasury Department na matatagpuan sa 3rd floor, Malabon City Hall. | ulat ni Merry Ann Bastasa