Halos abot kamay na ang hangaring mapasigla at buhayin muli ang industriya ng pag-aasin sa bansa.
Ito ang sinabi ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan, matapos ratipikahan ng Kongreso ang pinal na bersyon ng Philippine Salt Industry Development Act.
Ayon sa mambabatas oras na maging ganap na batas ay makakapagtatag ng ‘five-year roadmap’ na layong buhayin at isailalim sa modernisasyon ang industriya ng pag-aasin sa bansa.
Dito ay bibigyang suporta ang mga small salt producer at cooperative upang palakasin ang kanilang produksiyon.
Bahagi nito ang pagmamahagi ng ‘inputs at equipment’ para sa salt development; pagtatayo ng salt farm warehouses; at paglinang sa paggamit ng modernong salt production at processing technologies.
Kumpiyansa naman si Yamsuan na sa pamamagitan nito ay mababago ang kasalukuyang sitwasyon kung saan 92 percent ng pangangailangan natin sa asin ay pinupunan ng importasyon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes