Hindi pa rin nakakabiyahe ang mahigit 200 pasahero sa ilang pantalan sa Visayas at Mindanao dulot ng bagyong Kabayan.
Sa ulat na nakarating sa Central Office ng Philippine Port Authority, nasa 236 pa rin ang nananatili sa mga terminal dahil sa kawalan ng bumibiyahe na mga barko.
Sa pantalan ng Bohol, may 31 pasahero ang hindi pa rin nakakaalis mula pa noong Lunes habang ang Agusan Port Management Office ay mayroon ding 31.
Nasa 174 ang mga stranded na pasahero sa Port of Cagayan de Oro City.
Samantala, sa NCR North Harbor, nakabiyahe na ang mga stranded na pasahero mula pa kahapon nang ibaba sa Low Pressure Area ang mino-monitor na bagyo. | ulat ni Mike Rogas