Nakiisa at boluntaryong nagpunla ng 1,000 seedlings ang 300 indibidwal mula sa ibaβt ibang sektor sa Lanao del Sur ngayong December 20, 2023 sa Mt. kabugaw, Brgy. Daguan sa Bayan ng Kapatagan.
Ito ay bilang bahagi ng πππ ππππππ¨ πΌ πππ‘π‘ππ€π£ ππππ§π£ππ§π¨ & ππ§ππ¨π¨ πΎππ’π₯ππππ£ program ng Tanggapan ni Vice President Sara Duterte kasama ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa pamamagitan ng Ministry of Environment & Natural Resources (MENRE) ng Lanao del Sur sa kanilang ππ£π©πππ§ππ©ππ π½ππ£ππ¨ππ’π€π§π€ ππ§πππ£ππ£π ππ§π€ππ§ππ’.
Maagang dumating ang mga volunteer sa paanan ng nasabing bundok at naipunla bago pa mag-7:30 ng umaga ang 200 fruit-bearing seedlings at 800 mixed Narra at Mahogany seedlings.
Ayon kay MENRE Provincial Director Asmarie Labao, suportado ng Bangsamoro Government ang environment campaign ng pamahalaan lalo na at may kinakaharap na hamon dulot ng global climate change.
Nakiisa sa aktibidad ang mga kapulisan, kasundalohan, mga guro, emergency responders, mga residente ng LGU kapatagan at maging mga opisyal nito. | ulat ni Johaniah Yusoph | RP1 Marawi