Magbubukas na ng maraming plantilla positions sa susunod na dalawang taon ang Land Transportation Office (LTO).
Ito ang ipinangako ni LTO Chief Vigor Mendoza II para sa mga deserving personnel na gumugol na ng maraming taon bilang contractual employees.
Sa ngayon, may 63 empleyado ang natanggap o na-promote sa LTO Central Office sa Quezon City at may kabuuang 45 empleyado din ang nagpuno sa vacant plantilla positions sa regional offices.
Mula nang manungkulan si Mendoza sa LTO, una niyang ginawang aksyon ang pag-review sa status ng employment ng lahat ng LTO personnel sa buong bansa.
Natuklsan ni Mendoza, na aabot sa libong LTO personnel ang nananatili pang contractual sa kabila ng ilang taon nang pagtatrabaho sa ahensya. | ulat ni Rey Ferrer