Personal na iniabot ni Speaker Martin Romualdez ang nasa P630,000 na halaga ng tulong para sa Filipino caregiver na binihag ng Hamas at kalaunan ay pinalaya.
Hinarap ni Romualdez at ilan pang mambabatas si Jimmy Pacheco na isa sa mga binihag ng grupong Hamas nang sila ay lumusob sa Kibbutz Nir Oz sa katimugang bahagi ng Israel noong Oktubre 7 at kalaunan ay pinalaya noong Nobyembre 24 sa tulong ng pamahalaan ng Pilipinas at iba pang organisasyon.
“We know that this aid package cannot undo the physical and psychological scars that Jimmy Pacheco suffered while being held hostage in Gaza. We cannot begin to imagine what he has witnessed and what pain he has experienced. But we do hope that this government assistance will send a message to Jimmy, his family and to all Filipinos that the government is there for you and that it will do everything to show that it cares for you, especially during times of great need,” ani Romualdez.
Kasama ni Pacheco ang kaniyang asawa at tatlong anak.
Kasama sa natanggap na tulong ni Pacheco ang P500,000 na cash mula sa tanggapan ng House Speaker at P10,000 mula sa Department of Social Welfare ang Development (DSWD) sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
Pinagkalooban din ang tatlo niyang anak ng tig-P5,000 na educational assistance, mula rin sa DSWD.
Maliban dito, nabigyan din si Pacheco at kaniyang asawa ng P95,000 na livelihood assistance: P15,000 ay sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD at tig-P40,000 mula naman sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng kanilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).| ulat ni Kathleen Jean Forbes