Kasabay ng pagdiriwang ng International Migrants Day, binigyang pugay ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang mga overseas Filipino worker (OFWs) na aniya’y haligi ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon kay Legarda, napakalaki ng tulong sa ating ekonomiya ng mga OFW dahil sa tulong ng kanilang dollar remittances ay gumaganda ang ekonomiya ng bansa.
Kaya naman bilang mambabatas ay isinusulong ni Legarda ang ilang mga panukalang batas para sa mga OFW.
Kabilang na dito ang panukalang OFW Remittance Protection Act; SSS Coverage para sa lahat ng mga OFW; panukalang Overseas Absentee Voting Act; Magna Carta for Seafarers law na nakatakdang lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.; at ang pagbubukas ng mga embahada at konsulado sa iba’t ibang mga bansa kung saan dumarami ang bilang ng mga OFW.
Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), aabutin ng $37 billion ang dollar remittance ng mga OFW ngayong 2023. | ulat ni Nimfa Asuncion