Pinangunahan ng Commander in Chief, Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro, at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., ang paggawad ng parangal sa mga natatanging tauhan ng AFP.
Ito’y sa tampok na programa sa pagdiriwang kahapon ng ika-88 anibersaryo ng AFP sa Lapu-Lapu Grandstand sa Camp Aguinaldo.
Ang mga pinarangalan ay pinangunahan ni SSg Cesar Barlas PN(M) na ginawaran ng Medal of Valor para sa kanyang ultimong sakripisyo para sa bayan, na tinanggap ng kanyang biyuda.
Pinagkalooban din ng AFP Campaign Streamer award ang iba’t ibang unit ng AFP na nagtagumpay sa kanilang misyon; kasabay ng pagbibigay-pagkilala sa military at civilian personnel na nagpamalas ng husay sa pagganap ng tungkulin.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ng Commander in Chief ang kanyang kumpiyansa na ipagpapatuloy ng AFP ang kanilang “excellent” at “selfless” na pagseserbisyo sa bayan sa mga darating pang dekada. | ulat ni Leo Sarne
📸: PFC Carmelotes/PAOAFP