Patuloy na umaarangkada ang libreng medical mission ng Bangsamoro Government sa Lalawigan ng Lanao del Sur sa pamamagitan ng programang “๐๐ง๐จ๐ ๐จ๐ง ๐ค๐จ ๐๐๐ ๐ญ๐๐ฐ” ng tanggapan ni Member of Parliament Diamila Disimban Ramos.
Sa buwan pa lamang ng Disyembre nitong taon ay halos 1,000 indibidwal mula sa mga Bayan ng Lumbatan, Bayang, at Lungsod ng Marawi ang nakatanggap ng libreng konsultasyon, gamot, bitamina, at iba pang kagamitan kagaya ng wheelchair at saklay.
Kahapon ng December 21, 2023 ay sa Barangay Sagonsongan, Lungsod ng Marawi idinaos ang pangatlong medical outreach kasama ang Ranaw Lady Eagles Club at City Health Office.
Ayon kay MP Ramos, kasama ang Ministry of Health, layunin ng kaniyang tanggapan na makapaghatid ng tulong at serbisyo sa mga kababayang Bangsamoro lalo na sa vulnerable sectors na may limitadong kakayahan sa serbisyong medikal. | ulat ni Johaniah Yusoph | RP1 Marawi