Iminungukahi ni Bohol Representative Kristine Tutor na hasain sa iba pang mga lengguwahe ang mga mag-aaral sa kolehiyo para ma-offset ang paghina sa Ingles ng mga Pilipino.
Ayon sa mambabatas dapat ay dagdagan ng mga kolehiyo ang kanilang foreign language programs at isama ang Arabic, Korean, Japanese, at maging European language.
Sa paraan aniyang ito ay matutugunan ang problema sa English proficiency ng mga senior high school students.
“The foreign languages our colleges and universities should have more degree programs and short courses in Arabic, Korean, Japanese, Chinese language variants, and European languages. This would be on top of remedies to shortcomings in English among senior high school graduates.”
Punto pa ng mga mambabatas na ang mga bansang ito rin ang kadalasang puntahan ng mga Filipino graduates na nais magtrabaho abroad. | ulat ni Merry Ann Bastasa