Pangulong Marcos Jr., i-vineto ang dalawang probisyon sa 2024 National budget

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ilang bahagi ng 2024 General Appropriations Act.

Ito ay may kinalaman sa revolving fund ng Department of Justice (DOJ) at sa implementasyon ng Career Executive Service Development Program ng National Government.

Ayon sa Pangulo, obligado siyang gawin ang hakbang bilang bahagi ng kanyang mandato na maipatupad ng maayos ang batas.

I-vineto ng Pangulo ang Special Provision No. 1, ‘DOJ Revolving Fund,’ Volume I-A, page 1119.  

Ipinaliwanag ng Pangulo, na wala namang batas na nagbibigay otorisasyon sa DOJ na magtatag ng revolving fund.

Kasama rin sa i-vineto ng Pangulo ang section 38 sa pangkalahatang probisyon na ukol sa “Implementation of National Government’s Career Executive Service Development Program (NGCESDP)” (Volume I-B, pahina 762).

Sa pag-veto ng naturang seksyon, sinabi ng Pangulo na hindi kasi ito tumutugma sa anumang partikular na alokasyon sa budget. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us