Binago ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kanilang standard operating procedures (SOP) para holiday – partikular sa mga araw na walang pasok at wala sa orihinal na listahan ng holidays na inilalabas ng Malacañang.
Ito’y upang matiyak ang patuloy na suporta sa domestic financial markets sa mga araw na walang pasok.
Batay sa isang memo (BSP Memorandum Order No. M-2023-040) na nilagdaan ni BSP Gobernador Eli M. Remolona Jr. inamyendahan ng BSP ang SOP nito para sa holidays para sa “smooth operasyon” at tuloy-tuloy na serbisyo.
Ayon sa memo, ang lahat ng serbisyo ng BSP ay isasara sa mga holiday na nakalista bago ang simula ng isang taon, na kadalasan ay idineklara ng Malacanang na regular at espesyal o non-working holiday.
Para sa mga inihayag na holiday sa isang ordinaryong araw ng negosyo, mananatiling bukas ang lahat ng serbisyo ng BSP. Kabilang dito ang: Overnight Deposit facility at Term Deposit Facility; mga serbisyo ng cash; mga kinakailangan sa posisyon ng reserba; bukas na mga pamilihan tulad ng Philippine Dealing System, BTr, Bankers association of the Philippines, Philippine Depository and Trust Corp. PESONet at InstaPay.
Gayunpaman kung ang inihayag na mga holiday ay dahil sa sitwasyong pang-emergency tulad ng bagyo, lindol, malakas na pag-ulan, lokal na pagbaha, sunog, malawakang welga sa transportasyon, o armado at labanang sibil, ang lahat ng serbisyo ng BSP maliban sa ODF at TDF ay bukas. | ulat ni Melany Reyes