Pinatitiyak ni Davao City Representative Paolo Duterte na magkaroon ng sapat na oportunidad sa trabaho ang persons with disability (PWDs).
Sa kaniyang House Bill 8942, gagawing mandatory sa lahat ng private enterprise na may mahigit 100 empleyado na maglaan ng hindi bababa sa 1% ng kanilang kabuuang posisyon para sa mga kwalipikadong PWD.
Sa paraang ito, mabibigyan ng pantay na oportunidad sa trabaho at career development ang mga kababayan nating may kapansanan.
Punto ng mambabatas, salig sa Republic Act 10524, mandatory sa mga tanggapan ng gobyerno ang paglalaan ng 1% ng kanilang bakanteng posisyon para sa mga PWD habang ine-encourage o hinihimok lang ang mga pribadong kumpanya.
“PWDs with the necessary talents and skills have proven to be valuable assets in any enterprise. They deserve to be given the same opportunities to prove that they, too, are highly capable in performing the jobs they are qualified for,” sabi ni Duterte.
Ang mga pribadong kumpanya naman na may mas mababa sa 100 ang bilang ng empleyado ay hinihimok na mag-reserve o maglaan ng posisyon para sa mga PWD.
Ang mga makikibahagi namang kumpanya dito ay bibigyan ng tax credits na ibabawas sa kanilang gross income.
“Rather than exclude PWDs from the talent pool, we should be tapping their skills. On top of giving PWDs the opportunity to work and earn, companies also have the advantage of expanding their search for highly qualified job candidates instead of settling for non-disabled employees who lack drive and with mediocre skills,” dagdag pa ng kinatawan. | ulat ni Kathleen Forbes