Sen. Imee Marcos, nagpaalala na ibigay ang 13th Month Pay ng mga umalis o nasibak na mga manggagawa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ni Senador Imee Marcos ang mga pribadong kumpanya na ibigay pa rin sa mga umalis o nasibak na empleyado ang 13th Month Bonus ng mga ito.

Aniya kahit isang buwan lang nagtrabaho ang isang manggagawa ngayong taon ay dapat mayroon pa rin itong matatanggap na kahit isanlibong piso na year end bonus sa dati nitong pinapasukang kumpanya.

Ibinase aniya ng mambabatas ang kanyang computation sa minimum wage para sa 8-hour workdays sa Metro Manila.

Binigyang-diin rin ni Marcos na ang mga guro sa mga pribadong paaralan ay lalong entitled sa buong 13th Month Pay kung nakapagsilbi sila ng kahit isang buwan sa isang taon.

Malaking tulong na aniya ito sa panahon ngayon na mataas ang presyo maging ng mga pangunahing bilihin, kasama na ang Noche Buena goods.

Paalala pa ng senador dapat ay matanggap ang 13th Month Pay bago sumapit ang December 24. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us