Sen. Gatchalian, nangakong patuloy na aaksyon laban sa mga scammer

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian na patuloy siyang aaksyon laban sa mga indibidwal na nagpapanggap na staff ng kanyang opisina at ginagamit ito para makapanloko.

Ginawa ni Gatchalian ang pahayag matapos ibasura ng Pasay RTC ang Estafa Case laban sa tatlong indibidwal na nagpanggap na staff ng senador.

Ayon sa mambabatas, hindi dapat nakakalusot ang anumang uri ng panloloko para makakuha ng anumang pabor.

Kumpiyansa aniya ang senador na sa bandang huli ay mananagot sa batas ang mga taong may sala, at tiwala siyang uusigin ng mga korte ang mga ito para protektahan ang mga inosente at panatilihin ang kaayusan sa ating lipunan.

Kaugnay nito, naniniwala si Gatchalian na dapat pang palakasin ang mga batas kontra cynbercrimes.

Kabilang na aniya dito ang pagpaparusa sa mga nagbebenta ng mga registered SIM at mga gcash accounts na nagagamit sa scamming.

Bibigyang-diin rin ni Gatchalian ang kahalagahan ng ganap na pamamahagi ng National ID. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us