Davao City DRRMO, binabantayan ang lebel ng tubig sa Talomo River dahil sa malakas na ulan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na mino-monitor ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang Talomo River sa Tugbok District dahil sa patuloy na pag-ulan sa bulubunduking bahagi ng lungsod ngayong araw ng Biyernes, March 31, 2023.

Base sa report ng CDRRMO as of 6:30 ngayong gabi, nasa Code Orange o warning level na ang nasabing ilog kung saan mayroon na itong bahagayang pagbugso na may dalang mga debris.

Dahil dito, ipinag-utos na nito sa Barangay DRRMO sa paligid ng Talomo River na maghanda at patuloy na bantayan ang galaw nito.

Inabisuhan din nito ang lahat ng residente na nakatira malapit sa nasabing ilog na maging mapagmatyag at agad sumunod kapag magpapatupad na ng pre-emptive evacuation ang awtoridad. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao

?: Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office Facebook Page

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us