Kaso ng pang-aabuso sa kababaihan, bahagyang bumaba ayon sa Women Council Development ng Jolo Municipal Police Station

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang isinasagawang kampanya sa Violence Against Women and Children ng Women Council Police Development o WCPD ng Jolo Municipal Police Station (MPS) ukol sa karapatan ng mga kababaihan kaugnay sa pagdiriwang ng Women’s month nitong buwan ng Marso.

Kaugnay nito, inihayag ni PMSG Sitti Vilma Hassan, Women Council Police Development Police Non Commission Officer ng Jolo MPS ang pagbaba ng kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan kagaya ng rape o panghahalay at pananakit ng kanilang asawa na naidudulog sa kanila kumpara noong nakaraan.

Pagbabahagi ni Hassan, kapag may mga aktibidad silang isinasagawa sa mga barangay ay isinasabay na nila ang pagkakaroon ng oryentasyon hindi lang sa mga kapwa nila babae kundi pati na rin sa mga kalalakihan.

Itinuturing nila itong isang mabuting hakbang upang mapababa ang kaso ng mga naturang pang-aabuso dahil batid na ng mga ito kung ano ang kanilang kakaharapin sa oras na isagawa nila ang pananakit sa mga kababaihan.

Panawagan pa ni Hassan, sa lahat ng mga magulang na tingnan ang mga cellphone ng kanilang mga anak maging ang mga usapan dito nang sa gayon ay matukoy ang krimen na kadalasan ay nagsisimula sa internet.

Mahalaga aniya na alam natin kung sino ang mga kausap ng ating mga anak lalo pa’t ngayon na kabi-kabilaang krimen ang nagaganap. | ulat ni Fatima Sigaring | RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us