Bansang UK, nais paigtingin ang bilateral cooperation sa Pilipinas para sa sektor ng maritime industry sa Indo-Pacific Region

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais paigtingin ng bansang United Kingdom (UK) ang bilateral cooperation sa Pilipinas sa usapin ng maritme industry sa Indo-Pacific Region.

Ayon kay UK Minister of State for Indo Pacific Anne-Marie Trevelyan na nakipag-pulong na ang naturang bansa kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo upang pag-usapan ang pagpapaigting ng maritime cooperation ng dalawang bansa.

Dagdag pa ni Trevelyan na nauna nang nag-alok ang UK government sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard ng karagdagang pagsasanay sa United Kingdom sa Britania Naval college para sa Exclusive Economic Management na magagamit para sa maritime security ng Pilipinas.

Kaugnay nito, bukod sa bilateral cooperation sa maritime sector ay nais din ng naturang bansa na magpasok ng investment sa ating bansa sa sektor ng enerhiya, upang suportahan ang Pilipinas sa pagsusulong ng clean energy programs sa ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us