Umabot sa ₱4.019 trillion US$72.178 billion na kabuuang investment ang bunga ng mga naging foreign visits ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Base ito sa nakalap na impormasyon ng Presidential Communications Office mula sa Department of Trade and Industry.
Ang estado ng nabanggit na halaga ng investment ay nasa kategoryang ‘investment promotion agency registered with operations’ na nasa $205.53 million o ₱11.4 billion; ‘business registered’ na nasa $983.21 million o ₱54.75 billion; ‘signed agreement with clear financial project value’ na nasa $9.771 billion o ₱544.152 billion; ‘signed MOU o letter of intent’ na nasa $28.529 billion o ₱1.588 trillion; at ‘confirmed investment’ na hindi pa sakop ng MOUs/LOIs at nasa planning stage pa lang na aabot sa $27.345 billion o ₱1.522 trillion.
20 proyekto ang binabantayan din ngayon na nabigyan na ng permisong makapagparehistro na sa investment promotion agency ng DTI, Board of Investments at Philippine Economic Zone Authority (PEZA).
Ang mga pamumuhunang ito na nasa pipeline na ay nasa sektor ng manufacturing, IT-BPM, renewable energy, data centers at telecommunication. | ulat ni Alvin Baltazar