LTFRB XI, patuloy ang pagpapaigting ng Driver’s Academy para sa mga tsuper ng PUV sa Davao City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang ginagawang pag-educate ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) XI sa mga driver ng Public Utility Vehicle o PUV sa lungsod ng Davao sa pamamagitan ng Driver’s Academy.

Kahapon March 31, dumalo ang mga driver sa isinagawang PUV Drivers’ Seminar na ginagawa tuwing araw ng Biyernes.

Ayon sa LTFRB, ang Drivers’ Academy ay naglalayong mapalalim pa ang kaalaman ng PUV drivers para maging competent sila sa kanilang trabaho.

Kabilang sa mga pinag-usapan ang mga polisiya, road safety, pag-iwas sa gulo habang nagmamaneho at anger management.

Nanawagan naman ang LTFRB XI sa lahat ng PUV drivers sa lungsod na sumailalim sa Driver’s Academy para magkaroon ng sapat na kaalaman sa tamang pagmamaneho base sa itinakdang traffic rules and regulations. | ulat ni Macel Dasalla | RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us