4 na flights sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kanselado ang apat na biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw dulot ng masamang panahon.

Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng Cebu Pacific flight 5J 504/505/506 at 507 na pawang mga biyaheng Maynila patungong Tuguegarao at pabalik.

Dahil dito, inaabisuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline company hinggil sa refund o rebooking ng kanilang biyahe. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us