Aksidente na kinasangkutan ng dalawang sasakyan sa Magallanes, Makati, nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ngayong umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang nangyaring aksidente sa may Magallanes, Makati City ngayong umaga.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kumabig ang Ford Ecosport at tinamaan ang concrete barrier. Doon naman nabangga ang isang kotse na bumabaybay sa naturang kalsada.

Ayon pa sa mga imbestigador ay nakainom ang driver ng SUV at ang kasama nito habang isang foreigner naman ang may-ari ng nadamay na kotse.

Samantala, patuloy ang isinasagawang clearing operations sa natirang linya dahil tumagas ang langis ng SUV bunsod ng lakas ng pagkakabangga nito.

Sa ngayon ay mabigat pa rin ang daloy ng trapiko hanggang sa mga oras na ito kung saan kasalukuyan pa ring inaalis ang mga debris at langis na tumagas sa kalsada upang hindi na magdulot ng ano mang disgrasya. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us