Bilang ng mga pasaherong dumagsa sa PITX, umabot na sa halos 50,000

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pagdating ng mga pasahero sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na mga luluwas sa kani-kanilang probinsya upang doon ipagdiwang ang Bagong Taon.

Batay sa datos ng PITX, umabot na sa 49,331 ang bilang ng mga pasahero na dumagsa sa naturang terminal hanggang kaninang alas-12 ng tanghali.

Sa ngayon, ilang biyahe naman ang fully-booked na gaya ng mga patungong Cagayan De Oro at Daet, Sorsogon.

Ayon sa PITX, posibleng umabot sa 150,000 ang bilang ng mga pasahero na magtutungo sa naturang terminal ngayong araw.

Kaugnay nito ay mas pinaigting ng pamunuan ang seguridad sa PITX upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us