QCPD, ipinatutupad na ang mahigpit na implementasyon ng Firecrackers Law

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umapela sa publiko si Quezon City Police District (QCPD) PBGEN Redrico Maranan na sundin ang mahigpit na pagpapatupad ng batas na nagbabawal sa paggamit ng mga paputok sa pagsalubong bagong taon.

Ayon kay General Maranan,sa ilalim ng

 firecrackers law,mahigpit na ipinagbabawal ang mga paputok tulad  ng  Watusi; Piccolo; Poppop; Five Star; Pla-Pla; Lolo Thunder; Giant Bawang; Giant Whistle Bomb; Atomic Bomb (Super Lolo); Atomic Triangle (Goodbye Bading); Large Size Judas Belt (Goodbye Philippines); Goodbye Delima (Bin Laden); Hello Columbia (Mother Rockets); Goodbye Napoles (Coke-In-Can); Super Yolanda (Pillbox); Mother Rockets (Boga); and Kwiton (Kabasi).

Lahat ng mga lalabag ay may katapat na kaparusahan sa ilalim ng batas  at lokal na ordinansa.

Para mas matiyak ang kaligtasan ng mga residente, nagtalaga ang QCPD ng mga partikular na lugar kung saan papayagan ang mga paputok o pyrotechnic device. 

Mula Disyembre 26 hanggang 28, umabot na sa 1,273 piraso ng ipinagbabawal na paputok ang nakumpiska ng QCPD sa  52 operations na isinagawa sa lungsod Quezon.Nasa Php33,220 ang kabuuang halaga ng mga nasamsam na paputok.

Hiningi ng QCPD ang kooperasyon ng publiko at hinimok ang mga ito na maghanap na lang ng alternatibong paraan sa pagsalubong sa bagong taon na hindi gumagamit ng paputok. | Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us