Foreign trips ni PBBM, nakatutulong sa pagpasok ng mga negosyo sa Pilipinas — Sen. Gatchalian

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Senador Sherwin Gatchalian na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pinakamahusay ay pinakamabisang investor relations officer ng Pilipinas.

Dahil dito, sang-ayon ang senador sa alokasyon para sa local at foreign trips ng Punong Ehekutibo para sa susunod na taon.

Ayon kay Gatchalian, ang personal na pagtungo ni Pangulong Marcos sa mga bansang pinuntahan nito ay nagbigay ng malakas na signal na bukas ang Pilipinas sa pagpasok ng mga negosyo at investment.

Sa pamamagitan aniya ng personal na pagbisita ng Pangulo sa iba’t ibang bansa, ay nagkakaroon ng oportunidad ang mga head of state, fund managers, at potential investors na makausap siya mismo at direktang manggaling sa kanya ang katiyakan na maayos ang pagnenegosyo sa Pilipinas.

Kasabay nito, ipinahayag ni Gatchalian na mahalagang kumilos ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno, lalo na ang Department of Trade and Industry (DTI), para i-follow up ang mga pinangakong investment ng mga bansang binisita ni Pangulong Marcos.

Kailangan rin aniyang tiyakin na malugod na iwe-welcome sa ating bansa ang mga investors at matutugunan ang kanilang mga hinaing sa pagnenegosyo dito sa Pilipinas. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us