Pumalo na sa 96 ang kabuuang bilang ng mga firework-related injuries (FWRI) ang naitatala ng Department of Health (DOH) magmula nang simulan ng ahensya ang pag-monitor nito bilang bahagi sa pagsalubong ng bagong taon.
Ayon sa DOH, walo sa mga pinakahuling kaso ay may edad 5 hanggang 49 at anim sa mga ito ay biktima ng mga ipinagbabawal na paputok o anim sa bawat sampung kasong naitatala sa buong bansa.
Numero uno ang NCR sa may pinakamaraming naitatalang kaso sa 34% o katumbas ng tatlo sa bawat 10 kaso, na sinusundan naman ng Central Luzon, Ilocos Region, Soccsksargen, Bicol Region, at Western Visayas.
Patuloy pa rin ang panawagan ng ahensya na pinakamainam pa rin ang panonood sa mga community fireworks display para makaiwas sa disgrasyang dulot ng paggamit ng paputok. | ulat ni EJ Lazaro