Inaanyayahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang publiko na samahan sila sa espesyal na pagdiriwang ng bagong taon.
Bago ang fireworks display na gagawin sa Quezon Memorial Circle, opisyal na bubuksan ang “QC Countdown to 2024” ng alas-4:00 ng hapon.
Katatampukan ito ng iba’t ibang banda at kilalang artists.
Samantala, nagpaalala si Mayor Belmonte sa mga private household sa lungsod na ipinagbabawal na magsagawa ng mga fireworks display at paggamit ng paputok.
Pinapayagan lamang ang fireworks displays sa public places na inaprubahan ng city government.
Kailangan din ang pahintulot mula sa Department of Public Order and Safety bago magamit ang isang partikular na public place para sa fireworks display.
Ang mga Firecrackers at pyrotechnic devices naman na pinapayagan ng batas ay maaari lang ibenta at mabili sa mga shopping malls na may clearance mula sa DPOS at special permit galing sa Business Permits and Licensing Department. | ulat ni Rey Ferrer