Mariing pinaaalahan ng Department of Health (DOH) na ang paggamit ng paputok ngayong pagsalubong ng bagong taon ay maaring mahantong sa pananakit at pinsala sa ating mga tainga.
Ito ang naging paalala ng DOH matapos maisama sa mga bagong kaso ng paputok ang isang 23 taong gulang na babae mula sa Central Luzon ang nakaranas ng pagkawala ng pandinig matapos ang passive exposure sa kwitis.
Ayon sa ahensya, ang exposure sa ingay o paputok na umaabot sa 140-150 decibels (dB) ay maaaring magdulot ng pananakit ng tainga o pagkabingi.
Inirerekomenda ng DOH na kung hindi maiiwasan ang pagkalantad sa paputok at malalakas na tugtog ay maaaring gumamit ng earplug o earmuff at kung makaramdam ng pananakit sa tainga ay lumapit sa inyong mga doktor.
Sa kasalukyan, may naitatala ng 96 na kaso ng mga fireworks-relatedd injuries sa buong bansa kung saan karamihan sa mga ito ay dahil sa paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok. | ulat ni EJ Lazaro