May 6,745 na pamilyang sinalanta noon ni Super Typhoon Odette sa lalawigan ng Cebu ang pinagkalooban ng cash assistance ng National Housing Authority.
Ayon sa NHA, aabot sa kabuuang P67.45 milyong tulong pinansyal ang ipinagkaloob sa mga ito kamakailan.
Bawat pamilya ay nakatanggap ng P10,000 mula sa Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng ahensya.
Kabilang sa mga nabigyan ng tulong pinansyal ang mga pamilya mula sa 17 na barangay ng Mandaue City, Cebu.
Batay sa datos, abot sa 31,607 pamilya ang lubhang naapektuhan ng bagyo, nasa 404,653 na kabahayan ang totally damage at 1,704,205 ang partially damage.
Hinagupit ni bagyong Odette ang Pilipinas noong Disyembre 16, 2021, at isa sa mga pinakamatinding tinamaan ang lalawigan ng Cebu. | ulat ni Rey Ferrer