Hindi pinapayagan ng Pasig City government ang sinumang residente na magpapaputok sa labas ng mga itinalagang firecrackers at pyrotechnic areas sa pagsalubong ng bagong taon.
Ito ay alinsunod sa kautusan ni Pasig Mayor Vico Sotto at sa umiiral na Firecracker Regulation Ordinance sa lungsod.
Bawat barangay sa lungsod ay may kanyang itinalagang firecrackers at pyrotechnic areas na maaaring magpapaputok at pagdadausan ng fireworks display.
Paglilinaw pa ng LGU, sa kabila ng pagkakaroon ng designated areas, maaari pa ring limitahan ng mga awtoridad ang uri at laki ng mga paputok na pinapayagang gamitin.
Hindi pinapayagan ang paggamit ng mga paputok na ipinagbabawal ng Philippine National Police – Firearms and Explosives Office.
Sinumang mahuhuling lumabag ay pagmumultahin ng P5,000 at pagkumpiska sa mga paputok at iba pang pyrothecnic devices. | ulat ni Rey Ferrer