Tinatayang aabot sa P1.16 trillion ang halaga ng mga approve investment ng Philippine Board of Investments (BOI), ang pinakamataas sa 56 na taon ng ahensya, lagpas sa mga nagdaang pre-pandemic investment approvals.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) at BOI Chairman Fred Pascual, ang natamong tagumpay na ito ng BOI ay nagpapakita hindi lamang ng matibay na kumpiyansa ng mga investors sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kundi pati na rin sa tagumpay ng mga proactive investment promotion initiatives nito.
Binigyang-diin ni Sec. Pascual na ang ito ay repleskyon din ng malakas na suporta ng mga investors sa mga polsiyang ipinapatupad ng Pangulo at ang epektibong kampanya nitong “Make it Happen in the Philippines”.
Inaasahan namang makakalikha ng higit sa 47,000 trabaho ang mga investment na ito mula sa higit 300 samu’t saring mga proyekto. | ulat ni EJ Lazaro