Muling kinilala ang kahusayan ng bagong P1,000 polymer banknote ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) matapos masungkit nito ang High Security Printing Asia’s (HSPA) “Best New Banknote Award” para sa taong 2023 na ginanap sa Colombo, Sri Lanka.
Ang “Best New Banknote Award” category ng HSPA ay binibigyang pagkilala ang mga natatanging banknotes and series na may outstanding design, technical sophistications, at security achievements kabilang ang sinasalamin nitong cultural heritage at simbolismo sa bansang pinanggalingan nito.
Maalalang noong 2022 nanalo rin ang P1,000 polymer banknote bilang “Banknote of the Year Award” ng International Banknote Society.
Habang nakuha naman ng communication campaign ng BSP ang “Best New Currency Public Engagement Program” mula sa International Association of Currency Affairs noong Mayo 2023.
Samantala, nasungkit ng PhilID o ang national ID ng Pilipinas sa ilalim ng Philippine Identification System ang “Best New National ID Card Award” para sa rin sa taong ito. | ulat ni EJ Lazaro