Natapos na ang pagtatayo ng mga small farm reservoirs (SFRs) para sa tatlong lalawigang tatamaan ng epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.
Ginawang pilot province ng Project LAWA o Local Adaptation to Water Access ng DSWD ang lalawigan ng Ifugao sa Luzon, Antique sa Visayas, at Davao de Oro sa Mindanao.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, titiyakin ng small farm reservoirs ang mga lalawigang ito na may sapat na suplay ng tubig.
Kahit may epekto ng nagbabadyang tagtuyot ay magtuloy-tuloy ang produksyon ng agrikultura at pangisdaan.
Sa ilalim ng Project LAWA, nabigyan ng financial support ang mga residente sa pilot area sa pamamagitan ng cash-for-work at cash-for-training ng DSWD.
Kapalit ito ng kanilang trabaho sa paggawa ng alternative water resources. | ulat ni Rey Ferrer