Abiso sa mga pasahero ng LRT-1, mas pinaiksi muna ngayong araw, bisperas ng bagong taon, ang schedule ng operasyon ng mga tren na babiyahe, ayon sa advisory na inilabas ng Light Rail Manila Corporation (LRMC).
Ngayong araw, mula alas-5:00 ng umaga haggang alas-7:00 ng gabi ang magiging biyahe ng mga tren ng LRT-1 mula Baclaran habang hanggang 7:15pm naman ang huling biyahe na magmumula sa Fernando Poe Jr. station.
Kaya payo ng LRMC sa mga pasahero nito na planuhin ang gagawing pagbiyahe at pinaalalahanan ang mga pasahero na 10 minuto bago ang huling trip ay isasara na nito ang kanilang mga ticket booth.
Dagdag pa ng LRMC, para sa mabilis at maginhawang paglalakbay, hinihimok nito ang mga parokyano nito na gumamit LRT-1 QR ticket gamit ang ikotMNL at Maya app o di naman kaya ay load-an ng mas maaga ang kani-kanilang mga beep card.
Balik normal operasyon naman ang LRT-1 pagsapit ng January 1, 2024. | ulat ni EJ Lazaro