Mas maging puspusan ang pagsisikap para maipagkaloob ang tapat at mahusay na serbisyo na susi sa pagpapaganda ng buhay ng mga Pilipino.
Ito, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang New Year’s Resolution ng pamahalaan para sa taong 2024 kalakip ang
pananampalatayang sa kabutihan ng Maykapal ay matutupad ang lahat ng ating pinapangarap.
Tiwala aniya siya sabi ni Pangulong Marcos na magtatagumpay ang gobyerno sa minimithi nitong kasaganaan hangga’t may pagkakaisa.
Build, better, and more, ayon sa Pangulo, ang direksiyong tinatahak ng kanyang administrasyon sa Bagong Taon na ito at maaabot aniya ang mga ito sa pamamagitan ng puspusang pagtatrabaho.
Kaakibat aniya ng pagpasok ng Bagong Taon ay bagong pag-asa at bagong panata na sama-samang harapin ang mga balakid at sama-sama rin itong malagpasan. | ulat ni Alvin Baltazar