Nanawagan si Senador Jinggoy Estrada na patuloy na pagkakaisa ng mga Pilipino ngayong taong 2024.
Iginiit ni Estrada na sa kabila ng mga pagsubok na hinarap ng ating bansa nitong nakalipas na taon ay napagtagumpayan natin ito dahil sa pagkakabit-bisig.
Kaya naman umaasa ang senador na magkakaisa pa rin ang mga Pilipino tungo sa layuning itaguyod ang mas magandang kinabukasa para sa ating mga sarili at sa ating mga mahal sa buhay.
Ipinahayag ng mambabatas na ang pagkakaisa ay susi sa pag-angat at ang bawat isa sa atin, mapa-opisyal o ordinaryong mamamayan, ay may responsibilidad sa pagkamit ng mas makatarungan at mas makabuluhang lipunan.
Kumpiyansa rin si Senadora Nancy Binay na hangga’t nasa bawat isang Pilipino ang bayanihan spirit ay makakayanan nating malagpasan ang anumang hamon sa ating bansa.
Ipinahayag rin ni Binay na sa tulong ng pananalig, dasal at pinagsama-samang lakas ay patuloy na maipupursige ang pagbangon ng Pilipinas mula sa dagok ng kahapon.| ulat ni Nimfa Asuncion