Umabot na sa 50,064,756 milyong PhilIDs para sa mga Pilipinong nakarehistro sa Philippine Identification System (PhilSys) ang naimprenta at naipadala na ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Tiniyak sa publiko ni PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General na patuloy pang pabibilisin ang pag-iisyu at paghahatid ng mga PhilID.
Ginagawa na aniya ang lahat ng paraan upang mairehistro ang lahat ng mamamayan partikular na ang mga naninirahan sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs).
Hanggang Disyembre 8, 2023 may kabuuang 82,569,212 Pilipino na ang nakarehistro sa PhilSys. | ulat ni Rey Ferrer