Pinamumunuan ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga ang paggunita ng ika-20 taong anibersaryo ng pagkamatay ni Dating Alkalde Maria Clara Lorenzo Lobregat (MCLL) sa lungsod ng Zamboanga ngayong araw.
Isinagawa ang isang commemorative mass sa Holy Trinity Church sa Brgy. Pasonanca nitong alas-kwatro ng hapon at susundan ito ng wreath laying ceremony at maikling programa sa Jardin Maria Clara sa naturang barangay.
Inorganisa ng City Tourism Office ang naturang aktibidad kung saan iginugunita ang death anniversary ng kauna-unahang babaeng alkalde ng Zamboanga City alinsunod sa ordinansang ipinatupad ng Sangguniang Panlungsod.
Inaalala tuwing ika-dos ng Enero ang pagkasawi ng dating alkalde nang dahil sa sakit sa puso noong taong 2004 sa isang ospital sa Maynila kung saan nagtapos ang ikalawang termino nito bilang alkalde ng lungsod.| ulat ni Justin Bulanon| RP1 Zamboanga