OCD, naka-standby alinsunod sa alok na tulong ni Pangulong Marcos Jr. sa Japan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naka-standby ngayon ang Office of Civil Defense (OCD) kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno alinsunod sa alok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tulong sa disaster response operations sa Japan, kasunod ng 7.6 Magnitude na lindol na tumama sa naturang bansa.

Ito ang inihayag ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepumuceno, kasabay ng pagsabi na patuloy na mino-monitor ng tanggapan ang mga kaganapan at naghahanda para sa posibleng suporta na maaaring maipagkaloob sa Japan.

Inihayag din ni Usec. Nepumuceno ang kanyang pakikisimpatya sa mga mamamayan at pamahalaan ng Japan, at ang kahandaan ng OCD na tumulong sa disaster response operations.

Ayon kay Nepumuceno, ang nangyaring lindol sa Japan ay nagsisilbing paalala na kailangang palakasin ang paghahanda ng Pilipinas sa kahalintulad na pangyayari at iba pang natural na kalamidad sa pamamagitan ng whole-of-government at whole-of-nation approach. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us