Nanatili pa ring top choice ng mga botante si ACT-CIS Party-list Representative at Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa mga nais nilang iboto sa 2025 Midterm election.
Sa huling Survey ng OCTA Research nitong December 10 to 14, nakakuha si Tulfo ng 76% na sinundan ni Sen. Bong Go na may 53%, at dating Senate President Tito Sotto na may 48%.
Pasok din sa Top 5 sina Sen. Bato Dela Rosa na nakakuha ng 47% habang 42% naman si Sen. Imee Marcos.
Nasa ika-6 na pwesto hanggang ika-10 sina Sen. Bong Revilla na may 35%, Sen. Francis Tolentino na may 33%, dating Manila Mayor Isko Moreno at dating Sen. Panfilo Lacson na kapwa may 32%, Sen. Pia Cayetano na may 30%, at dating Sen. Manny Pacquiao na may 28%.
Nasa Number 11 at 12 post sina dating Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 25% habang si Sen. Lito Lapid ay may 20%. | ulat ni Michael Rogas