Positibo si Manila 3rd District Representative Joel Chua na makakasama ang Pilipinas sa mga malalaking balita tungkol sa palakasan ngayong taon.
Ito aniya ay dahil na rin sa puspusang paghahanda ng bansa para sa Paris Olympics.
Kumpiyansa ang mambabatas na mangunguna sa Paris Olympics para sa Pilipinas sina
pole vaulter EJ Obiena at world champion gymnast Carlos Yulo.
Kaya naman hinimok nito ang lahat ng Pilipino na ipakita ang suporta sa ating mga atleta.
Umaasa din ang kinatawan na makapagpatupad ng kinakailangang reporma ang Samahang Basketbol ng Pilipinas at Philippine Basketball Association lalo na para sa ikabubuti aniya ng ating national team na Gilas Pilipinas.
Kabilang dito ang pagkonsidera sa pagkakaroon ng foreign coach at mas mahabang panahon ng paghahanda para sa Olympic Qualifiers window bago ang Paris Olympics. | ulat ni Kathleen Jean Forbes