Umaabot sa mahigit 32,600 magsasaka ang naging benepisyaryo ng binhi ng palay para sa dry season crop ngayong 2024, sa pamamagitan ng certified seed distribution program ng PhilRice.
Ayon kay Research Specialist Andres dela Cruz, mahigit sa 217 libo sako ng inbred seeds ang naibigay sa mga magsasakang ito, sadyang inihabol upang maipunla nila noong huling bahagi ng 2023.
Ayon kay Ginoong dela Cruz, bahagi ito ng rice distribution program ng pamahalaan na pinopondohan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF.
Ang naging benepisayryo ay magsasaka ng Cagayan, isabela, NV at Quirino sa Lambak Cagayan; at Abra, Benguet, Ifugao, Kalinga at Mountain Province naman sa CAR Region.
Naitanim ang 217 libong sako ng certified seeds sa 30,400 ektarya ng palayan sa 164 bayan sa dalawang rehiyon sa sakop ng DA-Philrice Isabela. | ulat ni Vivian de Guzman | RP1 Tuguegarao
📸 DA-Philrice Isabela